Isko, solid pa rin kay Doc Willie sa kabila ng Domagoso-Duterte push sa Mindanao

0
207

Nilinaw ng Aksyon Demokratiko standard-bearer na si Francisco “Isko Moreno” Domagoso kanina na pinaninindigan niya ang kanyang vice-presidential candidate na si Dr. Willie Ong, kahit na ang ilang mga tagasuporta ay nagmumungkahi ng iba pang kandidato.

Gayunpaman, sinabi niya na hindi niya maaaring diktahan ang mga botante kung sino ang iboboto at iginagalang niya ang mga pagpipilian ng mga tao.

“Ako po, Isko-Doc Willie, period. ‘Yung mga organisasyon may kanya kanya. As a candidate hindi naman natin mapipigilan kayo, ang choices ninyo, kasi hindi naman tayo two-party system katulad ng Estados Unidos. Kapag binoto ang president, panalo na ‘yung vice president. That is the sad truth of our electoral process,” ayon kay Domagoso sa isang ambush interview sa kanyang pagbisita sa General Santos City kanina.

Mabilis na napansin ng mga social media watchers ang mga poster ng Domagoso-Sara Duterte sa kanyang mga sorties sa Mindanao.

Sinabi ng campaign strategist ng outgoing Manila mayor na si Lito Banayo na personal niyang desisyon na huwag isama si Ong sa BARMM, lalo na sa Maguindanao, dahil hayagang idineklara ng mga Mangudadatus ang kanilang kagustuhan.

“So I called up Doc Willie, and I said, Doc, baka mas mabuti po ‘wag kayong sumama sa Mindanao kasi I don’t want to put you in an embarrassing situation where ‘yung mga tarpaulins doon ay Isko-Sara,” Banayo said.

Kabilang sa mga sumuporta at nag endorso kay Domagoso ang Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive Coordinating Committee sa pangunguna ni dating Agrarian Reform Secretary at senatorial candidate John Castriciones, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Interim Chief Minister Ahod “Al hajj Murad” Ebrahim, at ang Mangudadatus ng Maguindanao.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.