Isolated rain showers, mararanasan sa buong PH

0
174

Makakaranas ang kalakhang bahagi ng isolated rain showers dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at localized thunderstorms, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa kanilang 4 a.m. bulletin, sinabi ng PAGASA na patuloy na magdadala ng pag-ulan ang northeast monsoon sa Cagayan Valley at Aurora at maaaring magdulot ng flash flood o landslide sa panahon ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Ang mahinang pag-ulan ay mararanasan din sa mga rehiyon ng Ilocos at Cordillera.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan.

Inaasahan din ng PAGASA ang katamtaman hanggang sa malakas na hangin at katamtaman hanggang sa maalon na karagatan sa Luzon. (PAGASA)

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo