Isyu ng kudeta sa Senado nagsimula sa Kamara

0
312

Naniniwala si Senador JV Ejercito na posibleng nagmula sa House of Representatives ang biglang paglabas ng isyu na may plano umanong magkaroon ng kudeta sa pamumuno ni Senate President Juan Miguel Zubiri upang hatiin ang Senado.

Hininala rin ni Ejercito na may kaugnayan ang kontrobersyal na people’s initiative sa alegasyon ng pagbabago sa pamumuno ng Senado.

“Divide and conquer strategy siguro galing sa HOR (House of Representatives) dahil sa PI,” ani Ejercito.

Itinanggi naman ng karamihan ng mga senador na may kaalaman sila sa nasabing kudeta.

Ayon kay Senador Grace Poe, hindi totoo ang tsismis at nananatili pa rin silang may tiwala sa pamumuno ni Zubiri.

“Absolutely untrue. We trust the leadership of Sen Zubiri,” ani Poe.

Idinagdag naman ni Ejercito na sa kasalukuyan ay mahirap palitan si Zubiri at wala silang nakikitang posibleng papalit sa kanyang puwesto.

Sinabi rin ni Senador Jinggoy Estrada na wala siyang kaalaman sa nasabing resolusyon hinggil sa pagbabago sa pamumuno.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo