“Well, it looks like the Omicron wave is upon us, ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Leopoldo Vega sa isang panayam noong Lunes habang ang bilang ng Covid-19 active cases ay patuloy na tumataas .
said on Monday seems to be upon the Philippines as the Covid-19 infections continue to increase.
Sinabi ni Vega na ang Pilipinas ay nakararanas ng “steady increase” ng kaso ng Omicron tulad ng nangyari sa buong South Africa at Europe.
“Our numbers have doubled and this is the start and we are very sure that this will peak. When it will crest down and decelerate, we don’t know. But what is very important is that we are prepared for this omicron virus,” ayon sa kanya.
Sa huling dalawang araw, ang Department of Health (DOH) ay nag-ulat ng mahigit na 4,000 na new active cases araw-araw, kabilang ang 4,600 na naitala noong Linggo, ang pinakamataas na impeksyon mula noong maitala ang pinakamababang 168 na new active cases sa bansa na naitala noong Disyembre 21, 2021.
Bagama’t nagdudulot ng banayad na sintomas ang variant ng Omicron, binigyang-diin ng Vega na ang mataas na transmissibility factor nito ay maaaring magresulta sa maraming pasyente.
“We are preparing our health systems capacity, our testing, our isolation so that we are all prepared for another ride in the waves of this Omicron virus.We only have about 115 TTMF beds all over the country. That means if you have an exponential growth in this Omicron, we might have problems in terms of isolation or quarantining these Covid-positive patients,” ayon pa rin kay Vega.
Idinagdag pa niya na inihahanda na rin ng gobyerno ang mga temporary treatment and monitoring facility (TTMFs).
Sa bukod na online media forum noong Lunes, iniulat ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang 11 imported at tatlong local cases ng Omicron variant. Sa 11 kaso, siyam ang umuuwi sa ibang bansa at wala nagpakita ng malalang sintomas o nagresulta sa pagkamatay dahil sila ay asymptomatic o may banayad na sintomas.
“All reported local Omicron cases – located and traced – have completed the minimum 10-day isolation and have been tagged as recovered prior to the release of the whole genome results,” ayon kay Vergeire.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo