Itinakda ng DENR CALABARZON ng 8-Year SCA Plan para sa mga sakop na Protected Areas

0
153

Tayabas, Quezon. Itinakda ng DENR CALABARZON ang 8-Year Strategic Communication Action Plans nito para sa Quezon Protected Areas sa panahon ng Communications Planning Workshop para sa Protected Areas ng ng nabanggit na lalawigan na ginanap noong Marso 28-30, 2022 sa St. Jude Coop Hotel and Events Center, sa bayang ito.

Ang DENR Calabarzon ay isa sa mga unang rehiyon na bumuo ng Communications Plans partikular para sa Protected Areas. 

“Ang gusto natin ay magkaroon tayo ng nakalatag na plano… We will try to arrive at communications activities designed specifically for your own PAs. Tayo ang isa sa mauuna na gumawa ng Comm Plan at very challenging ito para sa atin. Ito ay maaaring magtakda ng bar para sa ibang mga Rehiyon sa paggawa ng Comm Plan na espesipiko sa mga PA”,ayon kay Raymond Rivera, Provincial Environment and Natural Resources Officer ng Quezon Province.

Ang Calabarzon Region ay nagbuo ng 18 Communications Plans para sa 12 Protected Areas nito sa Quezon, 1 PA sa Batangas, 1 PA sa Cavite, at 4 PA sa Rizal para sa taong 2022. Ito ay para itakda ang 2022-2030 communication objectives ng DENR Calabarzon para sa 18 Protected Areas ng rehiyon at bigyang kakayahan ang mga kinatawan mula sa bawat PA na gumawa at bumuo ng malinaw at komprehensibong plano ng komunikasyon para sa mga target na stakeholder nito.

Pinaalalahanan ni PENRO Rivera ang mga kalahok sa kahalagahan ng pag-unlad at teknikal na pagsubaybay. BInigyang diin niya na ang plano sa komunikasyon ay maaaring mapailalim sa pagbabago. “Ang plano hindi naman ‘yan nakataga sa bato. As we implement evolving ‘yan kasi after we conduct an activity we assess saan tayo nagkulang o nagkamali at ano pa ang pwede nating iimprove para sa susunod ay mas effective ang ating communications activities.”

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.