Itinalaga ni PRRD si Danao bilang PNP OIC

0
229

Gaganap bilang officer in charge (OIC) ng Philippine National Police (PNP) si Lt. Gen. Vicente Danao, kapalit ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos, na bababa sa kanyang puwesto sa Mayo 8 matapos maabot nito ang mandatory retirement na age ng 56, ayon sa kumpirmasyon ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año kahapon.

“The President (Rodrigo R. Duterte) has just designated Lt. Gen. Vicente Danao Jr. as Officer In Charge of the Philippine National Police to replace Gen. Dionardo Carlos who is retiring on 08 May 2022,” ayon kay Año sa isang mensahe sa mga reporters.

Sa ilalim ng batas, ipinaliwanag ni Año na hindi maaaring italaga ang isang permanenteng hepe ng PNP dahil nakasaad sa Konstitusyon na “hindi na maaaring mag-isyu ng permanenteng appointment para sa mga executive position ang Pangulo maliban sa pansamantalang appointment kung magkakaroon ng isyu sa kaligtasan ng publiko o ito ay maglalagay ng panganib sa kaligtasan ng publiko o mapipinsala ang serbisyo publiko” 60 araw bago ang halalan sa pagkapangulo.

Sinabi ni Año na si Danao ay napaka-capable, workaholic, at isa ring taong may integridad na kayang pamunuan ang organisasyon ng PNP at ipagpatuloy ang mga repormang ginagawa.

PNP national task force laban sa Covid. Kaya let us welcome him and let us support him to do his job,” Año told reporters in a phone interview.

Inutusan ni Año si Danao na tiyaking magiging mapayapa, maayos, at tapat ang halalan, at nais niyang pamunuan niya ang PNP na gawin ang lahat at gawin ang kanilang makakaya.

Si Danao, na siyang concurrent Commander of PNP Security Task Force for National and Local Elections 2022,, ang No. 4 man ng PNP bilang hepe ng PNP Directorial Staff, ay pumalit kamakailan bilang Deputy Chief of Operations (DCO) matapos tumuntong si Lt. Gen. Ferdinand Divina na umabot na sa kanyang mandatory retirement age na 56 noong Mayo 2.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.