Itinalaga si House deputy speaker Ralph Recto bilang kalihim ng Department of Finance

0
116

Kinumpirma sa isang pahayag kahapon ni dating Batangas 6th District Representative Vilma Santos-Recto na si House Deputy Speaker Ralph Recto ang itinalaga bilang bagong Kalihim ng Department of Finance (DOF).

Inaasahan ang kanyang pormal na panunumpa sa Biyernes ng hapon sa isang oath-taking ceremony sa Malacañang.

Walang ibinigay na karagdagang detalye si Santos-Recto hinggil sa appointment, ngunit inaasahan na magiging mahalaga ang papel ni Recto sa pagtahak ng gobyerno tungo sa economic recovery at fiscal management.

Samantalang ito ay kinumpirma ng kanyang asawa, wala pang opisyal na pahayag ang Presidential Communications Office (PCO) ukol sa pagpapatunay sa nasabing pagtatalaga.

Ang pagtatalaga kay Recto bilang Kalihim ng DOF ay inaasahan ding magdudulot ng positibong pagbabago sa ilalim ng administrasyon, papalitan niya ang nagretirong DOF Secretary Benjamin Diokno.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo