Itinanggi ni Duterte ang destabilization plot vs Pangulong Marcos

0
2143

Itinanggi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang mga alegasyon na siya ang nasa likod ng diumano’y planong destabilisasyon laban kay Pangulong Marcos.

“Sino namang g****** pulis o military ang ma­kipag-meeting sa akin to destab… Bakit hindi ko ginawa ‘yan when I was at the height of my… naging presidente na ako. Para saan? Upang ilagay ang ibang tao bilang kapalit ni Marcos?” ani Duterte.

Sinabi pa ni Duterte na komportable siya kay Marcos at walang rason para ito ay palitan. “Komportable ako kay Marcos. Bakit ko siya papalitan? At sino ako para palitan siya sa panahong ito ng buhay ko?” anang dating presidente.

Wala rin umano siyang plano na tumakbo sa darating na midterm elections dahil hindi na kaya ng kanyang katawan. “I am telling you the truth, wala na ako… Maski ginusto ko man, pero hindi na kaya ng katawan ko. Why do I have to make some pretensions here,” ani Duterte na sinabi na pagod na siya sa pulitika.

“Wala. Ayoko na. Ayoko na ng pulitika. Hindi naman ako nasusuka. I find it disgusting for me to still meddle in politics… Pagod na ako sa pulitika. Count me out,” ani Duterte.

Nagbigay ng reaksiyon si Duterte sa ulat noong nakaraang linggo ni AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jr. na may planong destabilisasyon laban kay Marcos. Gayunpaman, ito ay ni­linaw ni AFP spokesman Col. Medel Aguilar, na nagsabing ang hepe ng AFP ay “misquoted.”

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.