Itinigil ng Comelec ang pagtanggap ng pirma sa People’s Initiative

0
124

MAYNILA. Itinigil ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng gawain, kabilang ang pagtanggap ng mga “signature forms” kaugnay sa People’s Initiative (PI) para sa isinusulong na charter change (Cha-cha).

Sa isang press conference kahapon sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, inihayag ni Comelec Chairman George Garcia ang “indefinite” na suspensyon ng aktibidad. “Kailangan po ito para maiwasan ang problema, kaguluhan, at hindi pagkakaunawaan doon sa interpretasyon ng probisyon ng ating mga rules,” ayon kay Garcia.

Sa kasalukuyan, tumanggap na ang Comelec ng signature forms mula sa 1,072 munisipalidad at siyudad sa buong bansa. Unang sinabi ng Comelec na ang kanilang pagtanggap ay hindi pa ang pormal na proseso ng PI, ngunit batay lamang sa kanilang administerial roles na naaayon naman sa kanilang panuntunan.

Ang suspensyon sa pagtanggap ng mga lagda ay sumunod sa pahayag ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na labag sa Konstitusyon ang kasalukuyang isinusulong na PI.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.