Itinulak ni Vargas ang “Ayuda Bill’ sa Kongreso

0
172

Itinulak ng isang mambabatas sa Kongreso kahapon ang panukala sa pagbibigay ng PHP15,000 na tulong para sa mga pamilyang Pilipino na ganap na nabakunahan upang palakasin ang coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccination program ng gobyerno.

Kasabay ng paghahain ng House Bill 10644, sinabi ni Quezon City Rep. Alfred Vargas na ang panukala ay hindi lamang makatutulong na maibsan ang paghihirap ng mga Pilipino sa dalawang taong pandemyang kundi mahihikayat din nito ang mga ayaw magpabakuna at mapapabilis ang pag abot ng herd immunity.

Ang panukalang batas ay naglalayong ipakilala ang cash assistance program sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), bukod pa sa patuloy na social amelioration program ng ahensya.

“It prioritizes the poorest of the poor and the most vulnerable sectors of our communities. These include senior citizens, persons with disabilities, and persons with comorbidities,” ayon kay Vargas.

Ayon sa kanya,isasali sa programa ang lahat ng karapat-dapat na pamilyang Pilipino na nabakunahan sa ilalim ng programa ng pagbabakuna ng gobyerno.

Sa paliwanag ng panukalang batas, sinabi ni Vargas na dapat maglagay ng mas matibay na social safety nets upang suportahan ang maraming marginalized na sektor at protektahan sila mula sa kahirapan.

Sinabi niya na ang iminungkahing programang “Ayuda sa Bakuna” ay makakatulong upang mabawasan ang pag-aalinlangan sa bakuna, na patuloy na humahadlang sa pagsisikap ng gobyerno na kontrolin ang pandemya.

“Vaccines save lives. Our nation’s strong vaccination drive has already shown that. Our ‘Ayuda sa Bakuna’ program reflects the Filipino people’s values of ‘bayanihan’ and ‘damayan’. To defeat Covid-19 and take back our normal lives from this virus, we need to help each other. We need to make sure that no one gets left behind,” ang pagtatapos ni Vargas.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.