Jail guard arestado sa pagkamatay ng rider sa Cavite

0
308

Tanza, Cavite. Dinakip ang isang jail guard hinggil sa pagkamatay ng isang motorcycle rider matapos niyang banggain ito ng minamaneho niyang government vehicle sa Tanza, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang inaresto na si Melchor Das Ilen, 42, jail officer ng Bureau of Jail and Management Penology na nakatalaga sa Naic station. Siya ay nahaharap nyaon sa kasong homicide at Damage to Property sa Tanza Prosecutor’s Office.

Kinilala naman ang biktima na si Mark Ferdinand Coluna, 26, na namatay habang daan patungo sa Tanza Family Hospital dahil sa matinding pinsala sa katawan dahil sa pagkakabangga.

Batay sa paunang imbestigasyon, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo at bumabagtas patungong A. Soriano Road nang salpukin ng isang marked vehicle na minamaneho ni Ilen.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.