Jail officer sa Laguna pinatay sa harap ng misis

0
253

STO. TOMAS CITY, Batangas. Napatay ang isang 43-anyos na jail officer matapos pagbabarilin ng isang hindi pa nakikilalang gunman habang kasama ang kanyang misis sa lungsod na ito kagabi.

Kinilala ang biktima na si Leonardo Caronan, isang residente ng Villa De Pio Subdivision, Brgy. San Miguel, Sto. Tomas City, at naglilingkod bilang jail officer sa Cabuyao City Jail sa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Laguna.

Ayon sa ulat, malapit nang magsara ang mini grocery ni Caronan kasama ang kanyang asawa nang biglang dumating ang isang suspek at pinaputukan siya ng ilang beses bandang alas-8:00 ng gabi.

Matapos ang pamamaril, agad na tumakas ang suspek sakay ng isang motorsiklo patungo sa Maharlika Highway.

Dinala pa si Caronan sa St. Cabrini Medical Hospital subalit binawian na siya ng buhay bandang alas-8:50 ng gabi.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo at ang mga taong nasa likod ng krimen.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.