Japan, negdeklara ng unang monkeypox virus death

0
181

TOKYO, Japan. Ipinahayag ng Ministry of Health sa Japan na namatay ang isang lalaking 30 anyos dahil sa mpox. Ito ang unang kaso ng pagkamatay sa bansa mula sa viral na sakit na dating tinatawag na monkeypox.

Ayon sa ministry, ang nabanggit na lalaki ay naninirahan sa Saitama Prefecture, hilaga ng Tokyo. Sinabi rin ng ministry na siya ay nahawahan din ng HIV virus at isang immunocompromised.

Ang mpox ay isang viral na impeksyon na nagdudulot ng mga sintomas tulad ng lagnat at pantal. Maraming pasyente ang may mga bahagyang sintomas at nagpapagaling nang natural. Ngunit sinasabing may panganib ng malubhang sakit ang mga bata, buntis na kababaihan, at mga taong mababa ang immunity.

Ang unang kaso ng mpox sa Japan ay kinumpirma noong Hulyo ng nakaraang taon. Ayon sa health ministry, 227 na kaso ang naitala hanggang Disyembre 3.

Ang virus ay maaaring maipasa sa tao sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa dugo o iba pang body fluids ng mga nahawahan, o mahabang exposure sa mga droplet sa malapit na distansya.

Hinimok ng health ministry ang mga tao na sundin ang pangunahing mga hakbang kontra impeksyon tulad ng pagsasanitize ng kanilang mga kamay, at kumunsulta sa mga medical institutions kung sila ay magkaroon ng lagnat, pantal, o iba pang sintomas ng mpox.

Ayon kay Professor Morikawa Shigeru ng Okayama University of Science, ang rate ng mortalidad para sa mga pasyenteng may mpox ay sinasabing mas mababa sa 1 porsyento.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.