Jeep nanuwag, 2 patay at 2 kritikal

0
309

NAGCARLAN, Laguna. Dalawa ang pumanaw habang dalawang nasa kritikal na kondisyon matapos mabangga ng isang pampasaherong jeep ang isang grupo ng mga naglalakad, isang tricycle, at E-bike sa Barangay Bambang, Nagcarlan, Laguna kahapon ng hapon.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Henry Audije, 45 anyos, at Sandra Arevalo, 22 taong gulang, kapwa mga residente ng Poblacion, Nagcarlan. Samantalang nasa kritikal na kalagayan naman ang dalawang sugatan na sina Trisha Mae Al Albor, 22 anyos, at Bryle Kristoff Pesidas, 13 taong gulang, parehong taga-Barangay Tuy, Rizal Laguna.

Ayon sa report ni Police Major Raymond Ayon, hepe ng Nagcarlan Municipal Police Station, ang aksidente ay naganap bandang 5:45 ng hapon kung kailan nagkaroon ng mechanical failure ang pampasaherong jeep na minamaneho ni Dario Baldivia, 50 anyos, residente ng nasabing bayan. Nawalan ito ng preno at nasagsaan ang naglalakad na si Audije.

Pagkatapos ng makasagasa, binangga naman ng jeep ang isang E-bike kung saan kasakay ang batang si Pesidas at pangatlo ay binangga nito ang tricycle na may sakay na tatlong estudyante na nagtamo ng malalang pinsala.

Agad namang tinulungan ng mga nakasaksi ang mga biktima at dinala sa pinakamalapit na ospital. Dalawa sa mga biktima ang dead on arrival habang tinutugunan ang iba pang sugatan.

Nakakulong na ngayon sa himpilan ng pulisya si Baldivia habang isinasagawa ang masusing imbestigasyon upang malaman ang buong detalye ng aksidente. Ang lokal na pamahalaan ay nagsagawa na rin ng koordinasyon upang mabigyan ng tulong ang mga pamilya ng mga nasawi at mga naapektuhan ng trahedya.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.