Jeepney operator inambus ng riding-in-tandem gunmen

0
139

Batangas City, Batangas. Binaril at napatay ng riding-in-tandem suspects kahapon sa Batangas City ang isang 45 anyos na jeepney operator na kinilalang si Ariel Catral.

Sa ulat ni Police Captain Alexander Rosuelo, hepe ng Batangas City Police Station, naganap ang insidente bandang 3:10 ng madaling araw habang pauwi na ang biktima habang sakay sa kanyang motorsiklo nang biglang lapitan ng mga suspek na sakay din ng isang motorsiklo.

Pinagbabaril ang biktima ng ilang beses sa Barangay Sto. Domingo. Nakita ni Reymart Delen Delas Alas ang bangkay ng biktima na nakasalampak sa kanyang motorsiklo sa tabi ng kalsada.

Hinihinala ng mga awtoridad na ito ay posibleng may kaugnayan sa personal na alitan, na posibleng may koneksiyon sa paghihiwalay ng biktima sa kanyang misis, na may kinakasama ng iba.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang mga suspek na nasa likod ng krimen at mapanagot sila sa kanilang ginawang pagpatay kay Catral.

Nananawagan din ang mga otoridad sa mga posibleng may impormasyon ukol sa insidenteng ito na magbigay ng tulong sa kanilang imbestigasyon.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.