Jonvic Remulla, pormal nang nanumpa kay PBBM bilang bagong DILG secretary

0
118

MAYNILA. Pormal nang nanumpa sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Jonvic Remulla bilang bagong Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Ginanap ang seremonya ng panunumpa sa Malacañang kasunod ng pagbibitiw ni Benhur Abalos matapos maghain ng Certificate of Candidacy (COC) noong Oktubre 7 sa Manila Hotel Tent City.

Tinanggap ni Remulla ang hamon na pamunuan ang DILG matapos lumabas ang balita ukol sa kanyang pagkakahirang. “Ito po ay aking buong pusong tinanggap upang makatulong di lamang sa ating lalawigan kundi para na din sa buong Pilipinas. Ang aking adhikain mula noon pa man ay ang ipagtibay ang kakayahan ng lokal na pamahalaan at kapulisan para maging pantay ang karapatan ng lahat at tungo sa mas mabuting kinabukasan,” pahayag ni Remulla.

Binigyang-diin din ni Remulla na ang kanyang pamumuno ay magiging nakatuon sa pagbubuo ng konsensus at pagpapalakas ng komunidad. “Ito po ay hindi makakamit sa puro salita lamang o yung pang-aaway ng walang hanggan. This can only be done through consensus building, community empowerment, and enhancing civic responsibility,” dagdag pa niya.

Humingi rin siya ng dasal at suporta mula sa publiko upang matagumpay niyang magampanan ang kanyang tungkulin bilang bagong DILG chief.

Photo credit: Presidential Communications Office

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo