J&T delivery hub sa Quezon hinoldap, P8-M tinangay

0
193

CALAUAG, Quezon. Nakulimbat ang halos P800,000 at ilang gadgets ng apat na armadong kalalakihan mula sa isang kilalang delivery hub sa Barangay Sta. Maria, bayang ito sa Quezon, kamakailan lang.

Nangyari ang insidente kamakalawa ng gabi, kung saan nilusob ng apat na armadong kalalakihan ang J&T delivery hub. Ayon sa ulat, ang mga holdaper ay pawang nakasuot ng face mask upang takpan ang kanilang mukha.

Sa pagsasagawa ng inisyal na imbestigasyon, natuklasan na alas-8:00 ng gabi nang biglang dumating ang apat na lalaki. Tinutukan ng baril ang security guard ng delivery hub, na kilala bilang “Jaypee,” at agad na kinuha ang kanyang service firearm na caliber 9MM. Pagkatapos nito, nagdeklara ang mga holdaper ng kanilang layunin na holdapin ang nasabing establisyemento.

Ayon sa mga saksi, tinali ng mga suspek ang kamay ng limang empleyado, kabilang si “Jaypee,” at nilimas ang laman ng kaha na tinatayang halos P800,000 na cash at tatlong cellphone.

Tumakas ang mga suspek sakay sa isang itim na sedan.

Samantala sinusuri ng pulisya ang mga CCTV footages ng mga kalapit na establisimyento upang makakuha ng mga mahalagang impormasyon na maaaring makatulong sa paglutas ng krimen.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo