Junior officers ng PNP, susunod na sisilipin sa illegal drugs

0
345

Susunod na bubusisiin ng PNP ang mga junior officers na sangkot sa ilegal na droga matapos salain ang 3rd level officers ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang mariing pahayag ni PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr., matapos makumpleto ng 5-man advisory group ang pagsasala sa mga 3rd level officers ng PNP.

Matatandaan na nanawagan si Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, Jr. noong Enero, 2023 para sa courtesy resignation ng mga 3rd level officers ng PNP hinggil sa pagkakasangkot sa illegal drug trade.

Ayon kay Acorda, hin­di matatapos sa mga matataas na opisyal ang paglilinis na gagawin ng PNP sa kanilang mga kabaro na may kaugnayan sa ilegal na droga.

Tiniyak ni Acorda, kung may mga junior officers na matutuklasan na sangkot sa ilegal na droga, agad na kakasuhan at sisibakin ang mga ito sa serbisyo.

Samantala, ikukumpara ni Acorda ang imbestigasyon ng Special Investigation Task Group 990 at ang fact-finding na ginagawa ng National Police Commission sa 990 kilos na shabu haul.

Iginiit ni Acorda na kaila­ngan na malaman kung paano naipon ang 990 kilos ng shabu na umabot sa P6.7 bilyon.

Dapat na mailahad sa publiko ang bawat detalye sa pinakamalaking drug haul sa bansa upang maibalik ang magandang imahe ng PNP at tiwala ng publiko, ayon kay Acorda.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.