Ka Leody: Foul ang panawagan ni Isko sa pag atras ni Leni

0
283

Sinabi ni presidential candidate Leody de Guzman kahapon na “foul” ang panawagan ni Manila Mayor Isko Moreno kay Vice President Leni Robredo na umatras sa presidential race sa Halalan 2022.

“Tingin ko, ‘yung panawagang mag-withdraw publicly ay parang foul. Foul ‘yun. Hindi maganda. Kung gusto ninyo ng pagkakaisa laban kay Marcos dahil hindi tayo sang-ayon doon sa style at historical background ng mamang ‘yun, at nagkakaisa tayo, e di mag-unite tayo on the ground,”ayon sa kanya sa panayam ng CNN.

Binigyang-diin ni De Guzman na maaaring magtulungan ang mga kandidato upang ipaalam sa publiko sa barangay level ang tunay na naganap noong martial law era at sa panunungkulan ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang lokal public official sa Ilocos Norte.

“Ipaliwanag natin ‘yung katotohanan ng lahat ng bagay na ‘yun. Magtulong-tulong [tayo] at bahala na kung kanino pupunta ang mga tao,” ayon sa kanya.

Sinabi naman niya na napasama pa ang mga kandidato na dumalo sa press conference, habang pumabor naman ito kay Robredo na ayon sa kanya ay “nagmukhang underdog”.

“Tingin ko nagulo ‘yung mga tao at mukhang may negative pa atang impact sa kanila ‘yun. Mukhang mas favor pa yata kay Leni ‘yung naging resulta dahil parang na-underdog siya sa usapan na ‘yan,” ayon pa rin sa pahayag ni de Guzman.

Nauna dito, noong nakaraang Linggo ay nagdaos sina Moreno, Senator Panfilo Lacson, at dating Defense secretary Norberto Gonzales ng isang press conference upang igiit na hindi sila aatras sa kani-kanilang presidential bid.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.