Kabo ng jueteng, patay sa pamamaril

0
324

Lucena City, Quezon. Tinambangan at pinagbabaril ang isang kabo ng small town lotto (STL) sa Barangay Marketview, lungsod na ito.

Ang biktima ay kinilala ng Lucena PNP na si Abelma Paguio, 42 anyos, may asawa at residente ng Baranggay Barra sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa paunang imbestigasyon ni Lucena Chief PNP Reynaldo Reyes, si Paguio ay naglalakad bandang 8:30 ng gabi ng siya ay harangin ng dalawang lalaking sakay sa motorsiklo at pagbabarilin ng backride nito.

Si Paguio, ayon sa ilang naninirahan sa pinangyarihan ng krimen, ay matagal ng kubrador ng jueteng at diumano ay malawak ang sakop ng pangungubra nito.

Naitakbo pa ng ilang bystander si Paguio sa St. Claire Hospital subalit idineklara itong dead on arrival.

Inaalam pa ng mga pulis ang motibo sa pagpatay.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.