Kahera, pinatay ng asawa sa kainan

0
314

CAVITE CITY. Pinagsasaksak hanggang mamatay ng isang babae ng kanyang asawa sa pinagtatrabahuhang kainan, kamakalawa ng gabi sa Farmgate Kitchen, Brgy. Bucandala 3, Imus City.

Ang biktima na tadtad ng saksak, na kinilala lamang sa alyas na Maribel, 28-anyos, ay cashier at residente ng NIA Road, Brgy. Bucandala 3, Imus City, Cavite.

Ang suspek, na kilala sa alyas na Arnold, ay asawa ng biktima, at residente ng Jade Residences sa Brgy. Malagasang 1-D, Imus City, Cavite. Agad itong tumakas pagkatapos ng krimen.

Alas-11:30 ng gabi nang maganap ang insidente habang ang biktima ay nasa kanyang trabaho bilang kahera sa nasabing restawran. Bigla na lamang dumating ang suspek na armado ng patalim at inatake ang kanyang misis.

Ayon sa mga ulat ng pulisya, maaaring ang malubhang selos ang naging motibo ng pagpatay ng mister sa kanyang asawa. Tinutugis siya ngayon ng mga awtoridad upang papanagutin sa ginawang krimen.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.