Kakanselahin ng DOJ ang passport ni Teves matapos isampa ang mga kaso

0
261

Ipinahayag ni Justice Secretary Jesus Remulla kahapon na na kakanselahin ng gobyerno ang pasaporte ng nakatakas na Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo A. Teves Jr. ilang sandali matapos ang nakatakdang pagsasampa ng mga kasong kriminal laban sa kanya kaugnay ng pagpatay sa kanyang kalaban sa pulitika na si Gov. Roel Degamo.

Sinabi ni Remulla na inaasahang matatapos ng Department of Justice (DOJ) ang kanilang preliminary investigation sa kaso laban kay Teves sa Lunes (Mayo 15), pagkatapos nito ay pormal na hihilingin ng National Bureau of Investigation (NBI) na kanselahin ang pasaporte ng congressman.

“I think he is still there, I think he will go back to Korea. He was seen in Korea, Cambodia and Bangkok where most of his people are. I think he will just go around these countries. When the charges are filed, we will file for cancellation of his passport,” ayon kay Remulla kasunod ng mga report na humingi si Teves ng asylum sa Dili City, Timor Leste.

Tinanggihan ng gobyerno ng Dili City, Timor Leste ang kahilingan ni Teves.

Tinitingnan din ng mga imbestigador ang kinaroroonan ng dalawa pang taong sangkot sa kaso na umalis din ng bansa at pinaniniwalaang pakikipagtulungan kay Teves at hindi na umuwi, ayo kay Remulla.

Idinagdag nya na ang Anti-Terrorism Council (ATC) technical working group na itinalaga upang suriin ang kahilingan ng gobyerno na idineklarang terorista si Teves ay tatapos sa proseso sa loob ng buwang ito.

“Another two weeks, we just have to go through the process. We are not here to persecute, it is to prosecute,” dagdag pa ni Remulla.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.