Kalahating milyong pisong halaga ng shabu nakumpiska sa sa Batangas

0
442

Batangas City, Batangas. Nasabat ng Batangas City Police Office (CPO) ang Php 360,000 na halaga ng hinihinalang shabu sa dalawang suspek sa Brgy. Dumantay, lungsod na ito.

Nadakip sa isang buy-bust operations na ikinasa noong Hunyo 7, 2022 sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Salvador E. Solana sina Arnold Abacan Arellano alyas ‘Tatcho’, 51 anyos na residente ng Brgy. Dumantay, Batangas City at Rosalina Blay Bautista alyas Rosalie, 45 anyos, massage therapist, na residente ng Brgy. Balete, Batangas City. 

Ang dalawang suspek ay dati nang kinasuhan at naaresto dahil sa pagbebenta ng iligal na droga at nakalaya matapos silang mapawalang-sala.

Muli silang kakasuhan ng paglabag sa Section 5, Article ll ng Republic Act 1965 o ng Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa City Prosecutor ng Batangas City.

Sa bukod na buy-bust operations ni Solana, nasakote din ang dalawa pang tulak sa Brgy. Banaba South, Batangas City bandang 12:50 AM, June 8, 2022.

Kinilala ni Regional Director, PRO 4A, Police Brigadier General Antonio C. Yarra ang mga naarestong drug personalities na sina Ramil Ponce Torres alyas ‘Bisaya’, 36 anyos, na vendor at residente ng Brgy. Banaba South, Batangas City at ang kanyang live-in partner na si Nina Piaduche Batoto alyas ‘Nina’, 36 anyos. Nakumpiska sa kanila ang halagang Php128,044.00 ng hinihinalang shabu.

Ang dalawang dinakip ay  kabilang sa watch list ng nabanggit na istasyon ng pulis. Nauna dito, nakatanggap ng impormasyong ang mga operatiba ng pulisya na ang dalawang suspek ang responsable sa pagbebenta ng droga sa kanilang barangay.

Sasampahan ang mag live-in partner ng kasong paglabag sa Section 5, Article ll ng Republic Act 1965 o ng Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa City Prosecutor ng Batangas City.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.