KALAKAL Laguna dinala ng DTI Laguna sa Baguio City

0
722

Dinala ng DTI Laguna sa SM Baguio City sa pakikipagtulungan sa SM Supermalls ang pinaka magagandang produkto ng Laguna sa ilalim ng programang Kalakal Laguna.

Ang nabanggit na inisyatiba ng DTI Laguna na iugnay ang mga MSME sa mga local government units at pribadong sektor para sa probisyon ng isang itinalagang lugar kung saan direkta nilang maibeibenta ang kanilang mga produkto.

Ang Kalakal Laguna ay bahagi ng pagtulong ng DTI Laguna sa mga MSME sa pamamagitan ng mga aktibidad sa marketing tulad ng mga trade fair at business matching alinsunod sa layunin ng Departamento na aktibo at patuloy na maghanap ng mga paraan upang matulunganang mga lokal na negosyante na umunlad sa kabila ng pandemya.

Noong Abril 21 hanggang 24, 2022, dinala ng DTI Laguna sa Baguio City ang Kalakal Laguna kasabay ng simula ng summer season.

Labing-isang Laguna entrepreneurs ang nagpakita ng kanilang mga produkto sa City of Pines, mula sa mga food delicacies hanggang sa mga fashion accessories at footwear at health and wellness.

Sa ceremonial opening noong April 21, 2022, dumalo sina DTICAR OIC-Regional Director Juliet Lucas, DTI-Benguet Provincial Director Samuel Gallardo, DTI-Laguna Provincial Director Clarke Nebrao, mga partners mula sa SM Baguio City sa pamumuno ni Ms. Rona Vida Correa at ang Laguna MSMEs.

Kaugnay nito, ang mga MSME ay nakakuha ng mga potensyal na kliyente at mamimili at nakapagpataas din ng mga benta sa trade fair. Sa pamamagitan din nito, natutuhan nila ang kahalagahan ng pagsali sa trade fair at kung paano makakatulong ito sa kanilang mga hanapbuhay sa gitna ng banta ng COVID-19. 

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.