Kalakhang bahagi ng PH apektado pa rin ng Easterlies

0
205

Ang Easterlies o mainit na hangin mula sa Pacific Ocean ay patuloy na makakaapekto sa bansa, partikular sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kanina.

Sa kanilang 4 a.m. bulletin, sinabi ng weather bureau na ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa easterlies at localized thunderstorms.

Nagbabala ang PAGASA sa publiko sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa panahon ng matinding pagkidlat.

Ang buong bansa ay makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang hangin at mahina hanggang sa katamtamang pag-alon sa baybayin.

Ang temperatura ay nasa pagitan ng 24.2 °C at 33.4 °C.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.