Kaligtasan ng mga journos, media practitioners ang pangunahing prayoridad ni PBBM

0
420

Ang kaligtasan ng lahat ng mga mamamahayag at media practitioners ay nananatiling pangunahing prayoridad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ayon sa Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) kahapon.

Inilabas ng PTFoMS ang pahayag na ito matapos mapanatili ng Pilipinas ang ranggo nito bilang ika-7 pinakamasamang bansa sa pag-uusig sa mga pumatay sa mga mamamahayag batay sa 2022 Global Impunity Index (GII) ng Committee to Protect Journalists (CPJ).

Kinakalkula ng GII ang bilang ng mga hindi nalutas na pagpatay sa mamamahayag bilang isang porsyento ng populasyon ng bawat bansa.

“The administration of President Marcos condemns in the strongest terms all cases of threats, harassment, or violence committed against the members of the press, and it is working very hard with all government agencies and stakeholders to address this problem through the PTFoMS,” ayon sa task force sa Facebook post nito.

Ayon sa PTFoMS, ang ika-7 ranggo ng Pilipinas ay “inaasahan” dahil ang ulat ay sumasaklaw sa isang 10-taong panahon sa pagitan ng Setyembre 1, 2012, at Agosto 31, 2022.

Gayunpaman, nabanggit din na karamihan sa mga kaso na nangyari sa loob ng 10 taon ay ganap na na imbestigahan, na may mga kaso na inihain sa korte.

Binanggit ng PTFoMS kung paano naaresto ang suspek sa pagpatay sa radio broadcaster na si Renato Blanco, na binanggit sa ulat ng CPJ.

“Blanco was stabbed to death on Sept. 18 this year by accused Charles Yanoc Amada. He is currently undergoing trial for murder at the Regional Trial Court of Negros Oriental,” ayon sa task force, at idinagdag na ipinadala nito ang impormasyon kay CPJ Senior Southeast Asia Representative Shawn Crispin.

Sa kaso ni Percival “Percy Lapid” Mabasa, tiniyak ng PTFoMS na binibigyang-halaga ng gobyerno ang imbestigasyon nito sa usaping manpower at resources.

“We have to trust our law enforcement agencies that they will be doing their best in bringing to justice all of the perpetrators behind this heinous crime,” ayon sa force.

Sinabi ng PTFoMS na nakikipagtulungan ito sa Philippine National Police (PNP) at mga grupo ng media upang bumuo ng mga alituntunin kung paano poprotektahan ng mga ahensyang nagpapatupad ng batas para sa mga media workers.

Tiniyak nito na ang task force ay magse-set up ng mga plano upang makipag tulungan sa judiciary upang mabigyan ng prayoridad ang mga kasong ito.

Sinabi ng task force na nakikipag tulungan din ito sa iba’t ibang grupo ng media at civil society organization para sa “Philippine Plan Of Action On The Safety Of Journalists” (PPASJ), na naglalayong palakasin ang kapaligiran para sa pagtataguyod ng kalayaan sa pamamahayag at magtatag ng kaligtasan para sa mga mamamahayag.

Ang PPASJ ay naka-pattern sa United Nations Plan of Action on the Safety of Journalists and the Issue of Impunity.

Sinabi rin ng PTFoMS na ang Media Security Vanguards nito, na binubuo ng mga Public Information Officers (PIOs) ng PNP, ay nananatiling bukas na tumanggap at tumugon sa lahat ng banta na ibinabato laban sa sinumang media practitioner.

Nangako ang PTFoMS na manatiling aktibo sa pagtatanggol sa kalayaan ng media sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagprotekta sa buhay, kalayaan, at seguridad ng mga manggagawa sa media.

Inatasan din nito ang mga mamamahayag, broadcaster, at media practitioner na iulat ang anumang insidente ng pagbabanta at panliligalig upang mabilis na maimbestigahan ang usapin.

Kung kinakailangan, sinabi ng PTFoMS na sinumang mamamahayag o manggagawa sa media ay maaari ding bigyan ng “real-time na seguridad ng pulisya.”

Sa 2020 GII nito, idineklara ng CPJ ang Pilipinas bilang “most improved” na bansa sa pagtasa nito mula ika-5 hanggang ika-7 puwesto.

Ang Pilipinas ay hindi rin kasama sa listahan ng CPJ ng “World’s Worst Places to Be a Journalist” o “10 Most Censored Countries” sa mundo.

Noong nakaraang buwan, muling pinagtibay ni Marcos ang pangako ng gobyerno na suportahan at protektahan ang mga karapatan ng media sa ilalim ng kanyang administrasyon at makinig sa lahat ng kanilang mga alalahanin sa President;s Night kasama ang Manila Overseas Press Club.

“Under my leadership, we will support and protect the rights of the media as they efficiently perform their duty. Whatever difficulties we may encounter from this point on, the government will always be ready to lend an ear and to listen to your concerns and to answer all that you may want to know,” ayon kay Marcos sa kanyang talumpati.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo