Kandidatong chairman, kritikal matapos pagbabarilin

0
129

GENERAL LUNA, Quezon. Isang barangay kagawad na kumakandidato para sa pagka-kapitan ang nasa kritikal na kalagayan matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na sakay sa motorsiklo.

Naganap ang insidente pagkatapos niyang magbahay bahay para sa kanyang kampanya kagabi sa Sitio Central 1, Barangay Malaya sa nasabing bayan.

Ang biktima na kinilalang si Ruben Ilagan, 63-anyos ay kasalukuyang ginagamot sa RAKK Hospital sa Gumaca, Quezon matapos tamaan sa dibdib ng hindi pa nalalamang kalibre ng baril.

Batay sa ulat ng pulisya, natapos ang kampanya ng biktima at pauwi na ito bandang 9:20 ng gabi nang biglang pagbabarilin siya ng mga hindi nakikilalang salarin na sakay sa isang motorsiklo na nag abang sa madilim na bahagi ng nasabing lugar.

Matapos ang krimen, agad na tumakas ang riding in tandem gunmen papuntang direksyon ng Lopez, Quezon.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.