Kanselado ang mga vaccination schedules sa SP Convention Center

0
260

San Pablo City, Laguna.  Lahat ng vaccination schedules sa San Pablo City Convention Center ay kanselado hanggang sa susunod na abiso, ayon kay San Pablo City Health Officer Dr. James Lee Ho.

“This is due to some members of the vaccination team being sick. They are currently under isolation/quarantine kaya po pansamantala ay kanselado muna ang mga vaccine schedules,” ayon kay Dr. James.

Lahat ng appointments ay pinawawalang bisa at pinapayuhan ang mga may hawak nito na maghintay ng bagong email notification, ayon sa ulat.

Nakatakdang sumailalim sa disinfection ang San Pablo Convention Center sa lalong madaling paahon. Nakatakda ring isagawa ang case investigations at contact tracing sa mga may sakit na miyembro ng vaccination team.

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.