Karpintero, babae, patay sa baril sa Quezon

0
322

Lucena City, Quezon. Patay ang 35-anyos na karpintero at 25-anyos na babae matapos barilin sa Brgy. 6 sa lungsod na ito noong Miyerkules ng gabi, Marso 1.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina John Carlo Leoparte, alias “Carlo,” at Charisse Daen, alias ‘’Ivy” na parehong taga Lucena.

Ayon sa imbestigasyon, bandang 11:30 ng gabi nang biglang sumulpot ang hindi pa nakikilalang suspek at diumano ay pinagbabaril ang mga biktima gamit ang kalibre .45 at tumakas.

Nagtamo ng tama ng baril si Leoparte sa kaliwang bahagi ng dibdib na naging sanhi ang agad nitong pagkamatay habang si Daen ay tinamaan sa ulo at kanang binti at isinugod pa sa ospital ngunit idineklara DOA.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang pitong fired cartridge case at dalawang slugs. Isasailalim ito sa caliber determination ng firearm examiner ng Quezon Provincial Forensic Unit.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa kaso upang matukoy ang pagkakakilanlan at motibo ng tumakas na suspek.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.