Kasalang Bayan sa Nagcarlan, itinaguyod ni Arcasetas at Amante

0
368

Nagcarlan, Laguna.  Nakasuot ng face mask at damit pangkasal, binigkas ng 40 magsing-irog ang kanilang mga “I do” sa isang mass wedding na ‘Libreng Kasalang Bayan’ noong Lunes, Araw ng mga puso, sa bayang ito.

Pinangunahan ni Nagcarlan Mayor Lourdes Arcasetas ang seremonya na itinuturing na unang mass wedding sa lalawigan ngayong taon sa nabanggit na bayan sa gitna ng coronavirus pandemic.

Samantalang tumayo namang ‘Ninong ng Kasalang Bayan’ si San Pablo City Mayor Amben Amante.

Ang mga ikinasal ay nagmula sa iba’t ibang barangay ng Nagcarlan at ang iba sa kanila ay matagal nang magkasama ngunit hindi nila kayang gawing legal ang kanilang pagsasama dahil mga kailangang gastos.

Sila ay ikinasal sa ilalim ng Article 34 ng Family Code of the Philippines, na nagsasabing “Walang lisensya ang kailangan para sa kasal ng isang lalaki at isang babae na nagsama bilang mag-asawa nang hindi bababa sa limang taon at walang anumang legal na hadlang para magpakasal sa isa’t isa.”

“Binabati ko ang bagong mga bagong kasal at nawa ay maging forever ang inyong pagmamahalan. Kailangan ay laging mangibabaw ang apat na ‘C’ sa inyong pagsasama. Ang unang C ay Christ, ang pangalawa ay Communication, ang pangatlo ay Commitment at ang huli ay Cash, at tandaan na hindi ito dapat pinag aawayan bagkus ay kailangang magsikap ang mag asawa na paunlarin ang kanilang kabuhayan. Guide your children well so they will grow up as good citizens,” ayon kay Amante.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.