Kasong pagsusugal laban sa bokal ng Cavite, inihain sa ombudsman

0
217

Nagharap ng kasong pagsusugal sa isang casino ang Bokal ng ika-5 distrito ng Cavite na si Paolo Poblete Crisostomo na isinampa sa tanggapan ng ombudsman noong noong Oktubre 26, 2023.

Ayon sa akusasyon, si Crisostomo ay nahuling naglalaro sa isang casino at mayroon pang litrato na nagpapatunay dito.

Nilabag ni Crisostomo ang Presidential Decree No. 1869, Office of the President Memorandum Circular No. 06, series of 2016, at mga DILG Memorandum Circular Nos. 2017-20 at 2018-25 dahil sa alegasyon ng pagpasok, paglagi, at paglalaro sa isang casino.

Batay sa sinumpaang salaysay ng isang testigo, nahuli niya si Crisostomo na naglalaro sa isang kilalang casino sa Pasay City noong Hulyo 22, 2023, mga alas-8 ng gabi. Ayon sa kanyang kuwento, si Crisostomo ay umupo sa isang mesa ng sugalan at aktibong naglaro.

Bukod dito, isinumite rin ang isang litrato bilang ebidensya, kung saan makikita ang isang kalbong lalakihang nakasuot ng pulang t-shirt at asul na shorts.

Sa mga salaysay ng testigo, agad daw niyang nakilala si Crisostomo, at ito ang naging dahilan kung bakit siya kumuha ng litrato ng nasabing pangyayari.

Noong panahong iyon, si Crisostomo ay nagsilbi bilang Bokal ng Cavite, at isa ring naging pangulo ng Association of Barangay Captains (ABC) sa lalawigan, bilang kapitan ng Barangay Poblacion 4 sa bayan ng Silang.

Alinsunod sa OP Memorandum Circular No. 06, series of 2016, mahigpit na ipinagbabawal sa mga opisyal at kawani ng gobyerno ang pumasok, mamalagi, at maglaro sa mga lugar ng sugalan tulad ng casino.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.