Kasunduan ng ceasefire sa Mariupol at Volnovakha, nabigo

0
263

Bumagsak ipinangakong ceasefire sa kinubkob na port city ng Mariupol sa gitna ng mga eksena ng terorismo ngunit sinabi ng isang pro-Russian na opisyal na magbubukas muli ang mga safe-passage corridor para sa mga residente ng Mariupol sa araw na ito, habang ang Pangulo ng Russia na si Vladimir Putin ay nagbabala na ang patuloy na pagtutol ay naglalagay sa Ukraine sa panganib at inihalintulad nito ang mga sanctions ng West sa Russia sa “pagdedeklara ng digmaan.”

Sinabi ng mga opisyal ng Ukrainian na ang artilerya ng Russia at mga airstrike ay humadlang sa mga residente na umalis bago magsimula ang paglikas. Inakusahan naman ni Putin ang Ukraine ng pagsabotahe sa napagkasunduang ceasefire.

Ayon kay Eduard Basurin, pinuno ng militar sa teritoryo ng Donetsk na hawak ng separatista, ang mga safe corridors para sa mga residente ng dalawang lungsod sa rehiyon na Mariupol at Volnovakha ay magbubukas muli ngayon araw, Linggo, Marso 6, 2022.

Hindi siya nagbigay ng anumang mga detalye kung gaano katagal mananatiling bukas ang mga koridor, o kung magkakaroon ng ceasefire upang mapadali ang paglikas ng mga tao sa dalawang nabanggit na lungsod,  ayon sa kanya sa telebisyon ng estado ng Russia.

Ang ikatlong round ng pag-uusap sa pagitan ng Russia at Ukraine ay gaganapin bukas (Marso 7, 2022), ayon kay Davyd Arahamia, isang miyembro ng delegasyon ng Ukrainian. Wala siyang ibinigay na karagdagang detalye. Hindi rin binanggit kung saan gaganapin ito.

Ang mga nakaraang pagpupulong na ginanap sa Belarus at humantong sa nabigong kasunduan sa ceasefire ay may layuning lumikha ng mga humanitarian corridors para sa paglikas ng mga bata, kababaihan at matatanda mula sa kinubkob na mga lungsod, kung saan ang mga botika ay walang laman, daan-daang libo ang nahaharap sa gutom at uhaw, at ang ang mga nasugatan ay namamatay ng hindi nalalapatan ng lunas.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.