Kataga sa ‘Panatang Makabayan’ binago ng DepEd

0
947

Binago ng Department of Education (DepEd) ang isang salita sa bahagi ng “Panatang Makabayan” kasunod ng rekomendasyon ng mga eksperto.

Sa ilalim ng Department Order No. 4 na inilabas kahapon, Pebrero 14, ang salitang “nagdarasal” ay pinalitan ng “nananalangin.”

Ayon sa DepEd, mga eksperto at linguists, ang salitang “nananalangin” ay “well-written, sufficiently rationalized, more inclusive, more solemn, well thought of and extensively researched.”

Samantala, maging ang mga focal person na kumakatawan sa indigenous cultural communities at indigenous peoples (IPs) at mga nasa Muslim at Moro communities ay mas pabor din sa salitang “dalangin” dahil ito anila ay “more spiritual and universal.”

“With these consultations, OUCT (Office of the Undersecretary for Curriculum and Teaching) recommended that nananalangin be used instead of nagdarasal primarily because the ‘nanalangin’ is inherent and integral in Filipino identities as it is rooted in Tagalog,” batay sa kautusan ng DepEd.

“Likewise, it is more inclusive and appropriate as it does not refer to or specify religions, and at the same time, it encompasses indigenous belief systems,” dagdag pa nito.

Karaniwang binibigkas ang Panatang Makabayan sa flag-raising ceremony, sa mga klase at iba pang aktibidad sa mga paaralan. 

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.