KHPR Press Corp, naghalal ng mga bagong opisyal

0
614

Sta. Cruz, Laguna. Naghalal ng mga bagong opisyal ang Kampo Heneral Paciano Rizal Press Corps (KHPRPC) noong Disyembre 27, 2021 sa tanggapan ng PNP Laguna PIO.

Bagong presidente nito si Kevin Pamatmat ng DZJV 1458. Kabilang sa mga bagong halal na opisyal sina Turing Crisostomo, vice president; Daniel Castro, Secretary; Gil Aman, Treasurer; Jun de Roma, Auditor at Roderick Palatino, PRO.

Si Turing Crisostomo ay publisher ng Laguna Express, Station News Director ng DZJV 1458 si Daniel Castro, news reporter ng Tonight si Gil Aman, reporter ng GMA7 si Jun de Roma at reporter ng Hataw si Roderick Palatino.

Kabilang naman sa mga adviser ng KHPRPC sina Roy Tomandao ng Manila Standard at pangulo ng ng Camp Vicente Lim Press Corps, Zen Trinidad, pangulo ng Calamba Press City Press Corps, Robert Maico ng GMA 7, Ellen Apostol ng Remate at Sol Luzano ng 102.1 FM.

Nasa larawan din ang mga miyembro ng nabanggit na press corps na sina Lyn Domingo, Romel Madrigal, Madeleine Marasigan, Shekinah Joy Pamatmat, Jane Ferrer Eleda at Cyril Quilo.

Panauhing pandangal sa ginanap na eleksyon si Laguna Police Provincial Director PCOL Rogarth Campo kasama si PNP Laguna PIO LTCOL Chitadel Gaoiran.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.