Kidnap victim na Chinese iniligtas ng Batangas PNP

0
331

Batangas City, Batangas. Iniligtas ng mga tauhan ng Alangilan Police Community Precint- Batangas City Police Station (CPS) ang isang Chinese national na kinidnap ng hindi pa nakikilalang foreign nationals sa lungsod na ito.

Ang babaeng biktima ay napag alamang tubong Shanghai, China, at kinidnap ng suspek na foreign national noong Setyembre 17, 2022 sa Angeles City, Pampanga. Ikinulong siya ng mga kidnapper ng 20 araw hanggang sa makatakas ito at makisilong sa isang residential house sa Brgy. Alangilan, Batangas City.

Kinumpirma ng PNP Anti-Kidnapping Group ang pagkidnap sa subject kapalit ng $200,000 na ransom.

Nag-ugat ang operasyon sa reklamo ng Chinese boyfriend ng biktima na nagsabi sa mga imbestigador ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) na huling nakita siya noong gabi ng Setyembre 16 sa Hammer Disco Light Club sa Brgy. Balibago, Angeles City kasama niya kaibigan.

Gayunpaman, lumabas sa imbestigasyon na ang biktima at ang kanyang kaibigan ay parehong umalis sa lugar ng club pasado hatinggabi noong Setyembre 17 at pumunta sa hindi kilalang lokasyon.

Noong Setyembre 18, tinawagan ng hindi kilalang tumatawag ang kasintahan ng biktima na humihingi ng pera na nagkakahalaga ng US$2 milyon (PHP116 milyon), at nagpadala ng video clip ng biktima habang hinahampas ng baseball bat sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito.

Nasa kustodiya na ngayon ng PNP AKG ang biktima habang patuloy ang operasyon laban sa mga suspek.

Pinuri ni PRO CALABARZON Regional Director, Police Brigadier General Jose Melencio C. Nartatez, Jr ang mga tauhan ng Batangas CPS sa matagumpay na pagsagip sa Chinese national na biktima. Inatasan din niya ang Anti-Kidnapping Group 4A (AKG) at mga operatiba ng PRO CALABARZON na magsagawa ng masusing imbestigasyon hinggil sa insidente at tukuyin ang mga salarin.

“I commend the operatives of Batangas CPS for saving the victim. Your timely response foiled yet another kidnapping incident involving Chinese Nationals. Such atrocities should not proliferate in our region. We should strengthen our intelligence efforts and maintain police presence in the streets as a deterrent to possible kidnapping and other crimes. I want immediate progress in this case and also I want these kidnappers to be arrested. We cannot tolerate these criminals who victimized innocent civilians for their own gain,” ayon kay PBGEN Jose Melencio C Nartatez.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.