Kilabot na rapist, arestado sa Laguna

0
310

Victoria, Laguna. Arestado ang wanted at kilabot na rapist sa isang joint manhunt operations na isinagawa ng Victoria Municipal Police Station (MPS) at Highway Patrol Group ng Laguna kahapon.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Officer-In-Charge, Laguna Prpvincial Police Office ang akusado na si Baltazar De Leon y Espiritu, 59 anyos na construction worker at residente ng Brgy. San Benito, Victoria, Laguna.

Ayon sa ulat ng Victoria MPS, inaresto ang akusado kahapon sa Brgy. Nanhaya, sa nabanggit na bayan sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Mary Jean Tibo CajandabRegional Trial Court, 4th Judicial Region, Branch 26 sa Sta. Cruz, Laguna.

 noong September 8, 2021 na pinaguutos ng saligang batas na arestohin ang nasabing akusado para panagutin sa paglabag sa umiiral na batas.

Nakakulong ngayon ang akusado sa custodial facility ng Victoria MPS at nakatakdang  humarap sa kasong Rape (Rpc Art. 266-A); Acts Of Lasciviousness (Rpc Art. 336); Special Protection Of Children Against Child  Abuse, Exploitation And Discrimination Act (Anti-Child Abuse Law) (Lascivious Conduct Under Sec. 5(B) Of Ra 7610).

“Isang pagmamalaki sa kapulisan ng Laguna sa walang sawang pagganap sa kanilang mga sinumpaang tungkulin,” ayon sa mensahe ni Silvio.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.