Killer na 4 na taon ng nagtago, nalambat ng Laguna PNP

0
196

Sta. Cruz, Laguna. Nahuli kamakalawa sa kanyang hide out sa Merville Subdivision, Paranaque City ang isang lalaking apat na taon ng pinaghahanap ng batas sa kasong pagpatay.

Kinilala ni PLt.Col. Randy Glenn Silvio, Laguna Provincial Police Office director, ang suspect na si Ronilo Sanchez, 59 anyos na residente ng Poblacion, San Pedro city, Laguna.

Ayon kay Silvio, si Sanchez ang pangunahing suspect sa pamamaril at pagpatay kay Allen Gamboa, 52 anyos at residente ng San Antonio ng nasabing lungsod.

Batay sa record ng San Pedro police office, sakay ng kanyang e- bike si Gamboa noong umaga ng June 13,2018 ng pagbabarilin ni Sanchez na agad ikinamatay ng biktima.

Sa isang tip na natanggap ng San Pedro police tungkol sa kinaroroonan ni Sanchez, binuo ang joint forces ng San Pedro City intelligence unit  at Regional Mobile force company na nagresulta sa pag aresto sa suspek.

Ang pagdakip kay Sanchez ay sa bisa ng warrant na inisyu ng tanggapan ni Judge Francisco Dizon Pano ng Regional Trial Court # 93 ng San Pedro city at walang inirekomendang piyansa.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.