Killer ni Fiscal Mendoza, nadakip na

0
232

Calamba, Laguna. Nadakip na ang suspek na pumatay kay Deputy Prosecutor Edilbert Mendoza sa pitong araw na hot pursuit operations na isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Cavite Intelligence Group at ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Isang drug buy-bust operation ang humantong sa pagkakaaresto sa hinihinalang pumatay sa deputy prosecutor Barangay H2, Dasmariñas City, bandang 10:30 ng gabi noong Enero 7, 2022.

Ang suspek na gunman ay kinilalang si Marvin Linaban, 44 anyos, may asawa at isang drug offender, ayon sa pulisya.

Maaalala na si Deputy City Prosecutor Edilbert Mendoza ay binaril sa harap ng kanyang bahay noong umaga ng Disyembre 30, 2021 sa Elysian Subdivision sa Trece Martires, Cavite.

Si Linaban ay nakatakdang dumaan sa integrasyon ng Parallel investigation team ng Laguna PPO at National Bureau of Investigations na binuo sa utos ng Supreme Court upang tiiyakin kung sino ang mga nasa likod ng krimen, ayon sa report.

“If all evidence and facts check out, the arrest of Linaban could be a major breakthrough in the investigation of the murder of Atty. Mendoza,” ayon kay Philippine National Police chief, Gen. Dionardo Carlos.

Nakuha kay Linaban ang isang baril na nakatakda ring sumailalm sa ballistic examination upang alamin kung ito ang ginamit sa pagpatay.

Si Mendoza ay nag-eehersisyo sa labas ng kanyang bahay nang barilin sa Barangay Cabuco, Trece Martires City, Cavite.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.