Kinasuhan ng CIDG si Chua, mga magulang, 6 na iba pa sa paglabag sa protocol

0
538

Isinampa na sa piskalya ng Makati City ang criminal case laban kay quarantine skipper Gwyneth Anne Chua at walong iba pang indibidwal na sangkot sa paglabag sa quarantine protocol noong nakaraang taon.

Sa kanyang pagdating mula sa United States noong Disyembre 22, 2021, nag-check in si Chua sa Berjaya Makati Hotel sa Makati Avenue, umuwi, at pumunta sa isang malapit na bar sa Barangay Poblacion kinabukasan.

Si Chua, kasama ang mga partygoer, at ilang empleyado ng bar ay naging positibo sa Covid-19.

Sinabi ni Criminal Investigation and Detection Group – National Capital Region (CIDG-NCR) chief Col. Randy Glen Silvio na kinasuhan nila si Chua; ang kanyang mga magulang na sina Allan at Gemma Chua; ang kanyang kaibigan na si Rico Atienza; ang Berjaya resident manager na si Gladiolyn Blala, assistant resident manager Den Sabayo, security manager Tito Arboleda, security officer Esteban Gatbonton, at front desk staff Hannah Araneta dahil sa paglabag sa Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Si Chua ay inireport na sinundo ng kanyang ama makalipas ang wala pang isang oras sa hotel ngunit nakita sa mga video ng security camera na siya ay nasa isang restaurant kinabukasan.

Bumalik siya sa hotel noong gabi ng Pasko, kasama ang kanyang ina.

“The CIDG Regional Field Unit NCR, the unit handling the case, was already able to establish the facts relative to the case of the returning overseas Filipino, Gwyneth Anne Chua,” ayon sa statement ng CIDG.

Walang nakitang sapat na ebidensya ang CIDG para kasuhan ang mga malalapit na kontak ni Chua ngunit hinikayat din silang kasuhan siya, lalo na ang mga nahawahan niya sa party.

Berjaya Makati Hotel lobby (Facebook photo).
Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.