Kinilala ni Gob Ramil ang mga nagwagi sa 16th Eskrima Kali Arnis World Championships 2022

0
399

Sta. Cruz, Laguna. Kinilala ni Gobernador Ramil L. Hernandez kamakalawa ang mga kabataang atletang Lagunense na nagkamit ng tagumpay sa idinaos na 16th Eskrima Kali Arnis World Championships 2022 noong July 16-22, 2022 sa Mandaue City, Cebu.

Sa ginanap na championship, itinanghal na World Champion si Lorence Napiza na umani ng sumusunod na mga medalya:  Gold sa Bangkaw – 75.1-82.0kg; Silver sa Double Live Stick – 75.1-82.0kg; at Silver din sa Single Live Stick – 73.1-77.0kg sa 18-39 years old male category.

Nagkamit naman si Arla Maristle Mercado ng  Bronze sa Single Live Stick 64.1-71.0kg, 18-39 years old female category; at isa pang Bronze sa Double Live Stick 64.1-71.0kg, 18+ years old female category.  Samantalang naging Philippine Qualifier naman si Trixy Malapad.

Nangako si Hernandez ng patuloy na suporta sa larangan ng sports lalo na para sa mga kabataang Lagunense.  Ayon sa kanya ay nais niyang magkaroon sila ng oportunidad na paghusayin ang kanilang sarili at mailayo sa mga masasamang bisyo.

Pinapurihan din ni Hernandez ang mga coach ng mga nagwaging atleta.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.