Kinondena ng DepEd ang pagpatay sa Grade 8 student sa Batangas

0
186

AGONCILLO, Batangas. Mariing kinondena ng Department of Education (DepEd) ang pagpatay sa isang Grade 8 estudyante noong Miyerkules ng umaga, Abril 17 sa bayang ito.

Sa isang Facebook post ng DepEd nitong Biyernes, Abril 19, ipinaabot ng ahensya ang kanilang pakikiramay at panalangin para sa pamilya at mga kaibigan ng nasawi.

“There is no place for such a brutal act in our society, more so against children who we aim to nurture as peace champions and nation builders,” anila.

“We deplore this heartless act of violence against our learners. The agency likewise calls on local authorities to exhaust all efforts to ensure accountability of the perpetrator and render swift justice,” anila.

“DepEd reaffirms its commitment in providing a safe and child-friendly environment in our schools for our teachers and learners, as we urge concerned law enforcement authorities to strengthen security measures to ensure the safety and protection of our children around our schools,” ayon sa pahayag ng DepEd.

Matatandaan na sa ulat, naglalakad ng mag-isa ang biktima papunta sa paaralang pinapasukan nito sa Banyaga National High School nang bigla siyang barilin ng isang lalaki gamit ang 9mm pistol.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.