Kinse anyos na ama, nadakip sa kasong paghahatid ng iligal na droga

0
1031

Victoria, Laguna.  Nadakip ang isang 15 anyos na ama na kinilalang si Jomar Pineda sa salang paghahatid ng ilegal na droga sa Brgy. Nanhaya, bayang ito kahapon, Disyembre 13, 2021.

Ayon sa report ng Victoria Police Station, ang menor de edad na suspek ay nahuli matapos magdala ng hinihinalang shabu sa isang poseur-buyer kung saan siya ay nadakip matapos i-tip ng isang concerned citizen..

Nakuha kay Pineda ang 2 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng Php1,000.00, ayon sa report ni Pcpl. Sammy Buted. Intel chief ng Victoria PNP.

Batay naman sa salaysay ng suspek, naghatid siya ng ipinagbabawal na droga kapalit ang halagang Php300.00 na pambili ng gatas ng may sakit niyang anak.

Sinabi naman ni Spo4 Alex Sumilang, Deputy Chief ng Victoria PNP na ang menor de edad na suspek ay wala sa listahan ng drug dependent sa nabanggit na bayan at ang nabanggit na insidente ang unang kaso nito.

Samantala, nakatakdang i-turn over ng pulisya si Pineda sa Department of Social Welfare ang Development upang isailalim sa rehabilitative counseling.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.