Kinumpirma ng Uniteam na hindi sasali si BBM sa debate

0
195

Hindi sasali sa presidential debate na inorganisa ng Commission on Elections (Comelec) si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa isang pahayag kahapon, kinumpirma noong Sabado ng abogadong si Vic Rodriguez, chief of staff at tagapagsalita ni Marcos, ang hindi paglahok ng kampo sa presidential debate.

“Presidential frontrunner Bongbong Marcos’ words are his bond, thus we shall honor our commitment to our supporters to be with them on the field on this day,” ayon kay Rodriguez.

Sinabi ni Rodriguez na mananatili silang nangangampanya on-ground.

“We shall continue with our preferred mode of direct communication with the people and engage them in a more personal face-to-face interaction that discusses real issues that affect them today, tomorrow and in the days to come as this election is all about our collective future,” ayon sa kanya.

Sa isang panayam ng DWIZ sa radyo noong Sabado, pinayuhan ni Senator Imee Marcos ang kanyang kapatid na lumahok sa presidential debate upang sagutin ang “lahat” ng mga batikos.

Sinabi ng Comelec noong Linggo na anim na kandidato sa pagka pangulo ang nagsumite na ng written confirmation na sila ay sasali sa PiliPinas Debate, kabilang sina dating presidential spokesperson Ernesto Abella, Labor leader Leody de Guzman, Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, Senator Panfilo “Ping” Lacson , Senator Manny Pacquiao at dating Defense Secretary Norberto Gonzales.

Samantala, sinabi na rin ni Vice President Leni Robredo, businessman Faisal Mangondato at lawyer/doctor Jose Montemayor na lalahok sila sa debate.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.