Ginawaran ng parangal na Excellence in Leadership and Humanitarian Service and Outstanding Public Servant of 2021 ng NGOtv Network at NGOtvAwards si San Pablo City Councilor Carmela Asaña- Acebedo kamakailan sa isang kaganapan sa Aberdeen Hotel sa Quezon City.
Si Acebedo ay kinilala dahil sa pang komunidad na pakinabang ng binuo niyang Covid-19 Disinfection Team noong kasagsagan ng Covid-19. Ang disinfection team na ito ay patuloy na umiikot sa buong San Pablo City sa kahilingan ng publiko na nangangailangan ng disinfection sa kanilang mga bahay o komunidad.
Ang Acebedo Covid-19 Buster project ay nago- operate gamit ang sariling pondo ni Acebedo.
Kabilang din sa mga puntos ng parangal ang kanyang optical missions project na isinagawa sa iba’t ibang barangay at a free cataract screening and operations project para sa mga apektadong mahihirap na mamamayan sa kanyang nasasakupan.
“Good leaders emerge from being in the association of successful people and good leaders. City Councilor Carmela Asaña- Acebedo honed her leadership skills through her membership in various organizations exposing her to community service and charitable works. Thus, she has been nominated and won the NGOtv Network and NGOtvAwards for Excellence in Leadership and Humanitarian Service and Outstanding Public Servant of 2021,” ayon sa NGOtv Network at NGOtvAwards.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.