Konsehal ng barangay, patay sa pamamaril

0
294

Catanauan, Quezon. Dead on the spot ang isang konsehal ng barangay matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Brgy. Ajos ng bayang ito, bandang 6:30 kagabi.

Batay sa paunang pagsisiyasat ng pulisya, kinilala ang biktima na si Ramil Advincula, 55 taong gulang na residente ng nabanggit na lugar.

 Ayon kay Police Major Lindley Sales Tibuc, chief of police ng Catanauan Municipal Police Station (MPS), nag aayos ng mga paninda sa kaniyang tindahan si Advincula ng dumating ang isang lalaki at umorder ng biscuit at soft drink.

Sa pahayag ng anak na babae ng biktima, narinig pa umano nito ang pag uusap ng kanyang ama at ng suspect na ayon dito ay nakasuot ng jacket at asul na s-baseball cap.

Habang iniaabot ng biktima sa suspect ang soft drink, bumunot ng baril ang gunman at sunod- sunod na pinaputukan si Advincula, ayon sa ulat ng pulisya..

Batay sa mga salaysay ng mga nakasaksi sa krimen, mabilis na sumakay ang suspect sa motorsiklo kasama ng isa pang lalaki na nagsilbing lookout sa pangyayari.

Kasalukuyang nagsasagawa ng manhunt operations ang mga tauhan ng Catanauan MPS upang dakipin ang suspek at alamin ang motibo sa pagpatay.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.