Konting kembot na lang

0
1105
Frontliners administering covid-19 vaccine jabs
Mass vaccination at SM San Pablo City

Pilipinas daw ang pinakamalalang lugar sa panahon ng Covid-19, yan ang sabi ng Bloomberg News (September 29, 2021). Ang malaking dahilan, sabi nila ay ang limitadong access ng bansa sa bakuna. Makikita sa chart ng Bloomberg na 22.5 million doses (md) ang dumating na Sinovac, ang pinakamaraming brand na naibakuna sa Pilipino. Tinga lang ang dumating na Pfizer (4.2 md), Moderna (3.8 md), Astrazeneca (7.3 md), J&J (3.2 md), Sputnik V at Sinopharm (0.5 md). Ang chart bang ito ay nagpapakita ng pantay na distribusyon ng bakuna? Masasalamin ba dito ang misyon ng COVAX-WHO na may tagline na “working for global equitable access to COVID-19 vaccines?” Parang hindi.

Ganun pa man, San Pablo City ang may pinakamaraming nabakunahan sa buong Laguna sa rate na 42.03%. Kapuri puri ito sapagkat  sa kabila ng kakulangan ng bakuna sa bansa sanhi ng nagdudumilat na global COVID-19 vaccine inequity ay halos singkwenta porsyento na ang fully vaccinated sa ating lungsod. Marami raming kembot pa pero papunta na tayo sa 70% herd immunity. 

Nagpapasalamat ang Tutubi kay San Pablo City Heath Officer James Lee Ho sa mahusay niyang diskarte sa paghahakot ng bakuna para sa San Pableños. Batay sa aming obserbasyon, ang susi ay nasa implementasyon ng mabilis at sistematikong vaccine rollout at mabisang vaccine delivery request. Nakikini kinita ko rin ang mahusay na PR na inilapat ni Dr. James upang maisakatuparan ito.

Nakakalungkot ang mensaheng ipinapakita ng chart ng Bloomberg. China lang ang malakas nating kaalyado sa bakuna. Tila inapi tayo ng West at dinedma ng Russia. Ngunit dapat nating malaman na ang nagmamaniobra ng global vaccine distribution ay ang COVAX-WHO.

Napagtanto ko na sa panahong ito ng pandemic, hindi lang virus ang kalaban. Malakas na kalaban din ang tipo ng mga decision makers at ang kanilang mga interes.

Mabuhay ang San Pablo!

Nanguna ang San Pablo City sa pinakamaraming nabakuhan sa buong Laguna sa rate na 42.03 %. Mararating na ng nabanggit na lungsod ang 70% herd immunity sakaling mapunuan ang 27.97% na kakulangan.  

Photo Credits: CIO San Pablo

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.