Korean Coast Guard na aasiste sa oil spill cleanup, darating na ngayong araw

0
282

Paparating na sa bansa ngayong araw,  Martes, Marso 28, ang mga miyembro ng Korean Coast Guard (KCG) upang tumulong sa Pilipinas sa walang tigil na oil spill cleanup sa Naujan, Oriental Mindoro.

Ang South Koreans ay aayuda sa Japanese at US Coast Guard na narito na sa bansa upang sumuporta sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sa ngayon ay 10 munisipalidad na sa probinsya ang nasa ilalim ng state of calamity dahil sa epekto ng oil spill mula sa lumubog na barko noong Marso 28, na MT Princess Empress na may kargang 900,000 litro ng industrial fuel.

Hanggang noong Huwebes, Marso 23, mahigit 8,000 litro ng langis na ang nakolekta at sisimulan na rin na higupin ng mga awtoridad ang laman ng tanke ng motor tanker gamit ang special bag mula sa Singapore.

Idinagdag pa ni PCG Deputy Commandant for Operations Vice Admiral Rolando Lizor Punzalan Jr. na paplanuhin na rin nila ang patching ng naturang barko, at pagsipsip sa natitirang mga langis sa tanke.

Sa huling ulat, mahigit 20,000 pamilya na o mahigit 100,000 residente ang apektado ng oil spill.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.