Kultura ng bullying sa mga ospital pinai-imbestigahan ni Tulfo

0
456

Naghain si Senador Raffy Tulfo ng resolusyon na naglalayong imbestigahan ang mga ulat ng pambu-bully sa hierarchy ng ospital, na ayon sa kanya ay nagdudulot ng banta sa physical, psychological at mental health and safety ng mga apektadong medical workers and professionals.

Sa kanyang Senate Resolution No. 467, binanggit ni Tulfo na ang mga apektado ng bullying ay mga clerk, interns, residente, nurse at iba pang medical professionals.

Binanggit niya ang isang libro ni Dr. Erwin Manzano na pinamagatang, “Hospital Bullies in the Philippine Clerkship and Residency Training” na nag-ulat na “ang ilang ospital at klinika ay nagpatibay ng kultura ng pananakot kung saan ang mga senior na residente at consultant ay nakakasakit at mapang-api sa mga junior na residente, trainees , mga klerk at mga mas mababa ang ranggo, ngunit nanatiling hindi nalalantad dahil sa pagiging maimpluwensyah nila o itinuturing silang mataas at iginagalang na mga miyembro sa propesyon.

“The highest degree of professionalism must be upheld and observed in the medical profession at all times, ensuring a harmonious environment where medical professionals can communicate with each other and work together with respect, such that patient’s safety and welfare is safeguarded at all times,” ayon sa SR 467 ni Tulfo.

“It is necessary to conduct an inquiry in aid of legislation to determine the extent of the problem and to propose measures to address the situation,” dagdag pa ni Tulfo nong hiniling nya sa Senate Committee on Health and Demography na imbestigahan ang mga isyu.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.