Kumpleto ang 10M dosis ng PH-Russian vax deal

0
142

Dumating nasa bansa ang lahat ng 10 milyong dosis ng Sputnik Covid-19 doses na inorder ng gobyerno ng Russia, ayon kay National Task Force Against Covid-19 chief, Secretary Carlito Galvez Jr., kahapon.

Sinabi ni Galvez na tigil na ang  paghahatid ng bakuna sa ngayon mula sa Russia dahil sa giyera sa Ukraine.

“Natapos na ang kontrata namin sa gobyerno ng Russia, kasama na ang kontrata namin sa Russian Direct Investment Fund. Nagkontrata kami ng 10 milyon at tapos na lahat,” ayon kay Galvez sa vaccination activity sa Makati City .

Noong Nob. 19, 2021, nakumpleto na ang 2.8 milyon na deal sa Russia.

Idinagdag niya na walang dapat ipag-alala “dahil ang bansa ay may sapat na Covid-19 jabs” upang magamit bilang pangunahing serye at mga booster shot para sa populasyon ng nasa hustong gulang.

“We are just getting vaccines for the vaccination of age group 5 to 11,” ayon sa kanya.

Sinabi ni Galvez na target ng gobyerno ngayong taon na makumpleto ang pagbabakuna ng 12.74 milyon sa 12 hanggang 17 age group at 15.56 milyon sa 5 hanggang 11 age group.

Bahagi ng mga plano ng gobyerno ang pagbili ng mga reformulated jabs para sa 6 na buwan hanggang 4 na taong gulang na grupo, malamang sa ikalawang quarter ng 2022, ayon kay Galvez.

Sa Miyerkules ng gabi, inaasahang darating pa ang 128,631 doses ng Pfizer jabs para sa mga nasa hustong gulang at 1,056,000 reformulated doses para sa 5-11 group, na binili ng gobyerno sa pamamagitan ng World Bank.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.