Kuwalipikadong government workers, pinag-aaplay ng grant sa additional points sa Civil Service Exam

0
143

Inihayag ng Civil Service Commission (CSC) ang kanilang pagsusulong sa Grant of Career Service Eligibility – Preference Rating (CSE-PR) sa mga kuwalipikadong manggagawa ng pamahalaan na may hindi bababa sa 10 taon ng serbisyong pampubliko, may karanasan at kaalaman ngunit walang angkop na civil service eligibility.

Batay sa CSC Resolution No. 2301123, ang Preference Rating na may maximum na 10 puntos ay idadagdag sa kasalukuyang rating (70.00 hanggang 79.99) upang maabot ang passing rate na 80.00 para sa Career Service Examinations (CSEs). Sa ganitong paraan, magiging kwalipikado ang mga aplikante para sa Career Service Professional o Subprofessional eligibility.

“In recognition of these government workers who have already contributed so much in our efforts to provide efficient public service, the CSC has resolved to grant them with CSE pre­ference rating under specific conditions,” ayon kay CSC Chairperson Karlo Nograles,

Ang mga interesadong makakuha ng CSE-PR ay inaanyayahang mag-apply at kumuha ng schedule para sa CSE simula sa ika-3 ng Marso 2024. Binigyang diin ni Chairperson Nograles na maaari lamang mag-avail ng isang beses ng CSE-PR grant ang bawat indibidwal.

Ipinapaabot ng CSC ang kanilang suporta sa mga naglilingkod sa pamahalaan na nagpupursigi na mapabuti ang kanilang kakayahan at serbisyong inilalaan sa publiko.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo